^

PSN Palaro

Triple-double ni Pierce naglusot sa Boston sa 3-OT

Pilipino Star Ngayon

BOSTON -- Humakot si Paul Pierce ng triple-double mula sa kanyang 27 points, 14 rebounds at 14 assists para banderahan ang Boston Celtics sa isang 118-114 triple overtime victory kontra sa Denver Nuggets noong Linggo.

Dumiretso ang Boston sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada kasabay ng pagpigil sa nine-game winning streak ng Denver.

Isinalpak ni Pierce ang isang 3-pointer na nagtabla sa laro, 107-107, sa ikalawang overtime patungo sa ikatlong extension period.

Kumolekta si Kevin Gar­nett ng 20 points at 18 rebounds, habang gu­ma­wa si Jason Terry ng season-high 26 points mula sa bench.

Hindi pa natatalo ang Celtics sapul nang mawala si point guard Rajon Rondo dahil sa kanyang season-ending knee injury.

Tumipa si Terry ng isang 3-pointer sa 1:33 sa ikatlong overtime upang itaas ang Celtics sa 116-113.

Inilapit ni Danilo Gallinari, tumapos na may 18 points at 10 rebounds, ang Nuggets sa 114-116 mula sa kanyang free throw, ngunit hindi na sila nakalapit.

Isang magandang depensa din ang ginawa ni Terry, limang sunod na 3-point shots ang naimintis sa unang dalawang overtime, nang agawin niya ang bola kay Andre Miller sa natitirang 35 segundo.

 

ANDRE MILLER

BOSTON CELTICS

DANILO GALLINARI

DENVER NUGGETS

DUMIRETSO

JASON TERRY

KEVIN GAR

PAUL PIERCE

RAJON RONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with