Rigondeaux pipirma ng kontrata
MANILA, Philippines - Inaasahan nang pipirmahan ni Guillermo Rigondeaux ang fight contract para sa kanilang unification bout ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa Abril 13.
Sinabi ni Gary Hyde, ang manager ng Cuban World BoÂxing Association king, na wala silang reklamo sa konÂtratang ibinigay ng Top Rank Promotions para sagupain si Donaire.
“I expect ‘Rigo’ to sign in the next couple of days, as we are satisfied with the bout contract,†sabi ni Hyde sa paÂnayam ng RingTV.com.
Idinagdag pa ni Hyde na idaraos ang Donaire-Rigonxdeaux unification fight sa The Theater sa Madison Square Garden sa New York City.
Ngunit wala pang venue na pormal na inihahayag ang Top Rank sa nasabing laban nina Donaire (31-1-0, 20 KOs) at Rigondeaux (11-0, 8 KOs), ang two-time Olympic Games gold medalist para sa Cuba.
Ilan sa mga ikinukunsidera ng Top Rank ay ang Radio City Music Hall sa New York at ang Home Depot Center sa Carson, California.
Dalawang beses nakita sa Home Depot ang 30-anÂyos na si Donaire noong nakaraang taon.
Sa naturang venue, inagawan ni Donaire ng IBF super bantamweight title si South African Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 17 at pinigil sa ninth-round si Japanese superstar Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) noong Oktubre 13.
Lumaban din si Donaire sa The Theater sa Madison Square Garden nang biguin si Omar Narvaez (38-1-2, 20 KOs) sa kanilang bantamweight title fight noong Oktubre ng 2011.
- Latest