DALLAS -- Umiskor si Shawn Marion ng season-high 26 points, habang nag-ambag ng 19 si O.J. Mayo para pagbidahan ang Dallas Mavericks sa 116-91 panalo laban sa Golden State Warriors noong Sabado ng gabi.
Nauna nang natalo ang Dallas sa Golden State ng daÂlawang beses.
Giniba ng Warriors ang Mavericks sa overtime, 105-101, noong Nobyembre 19 at umiskor ng 100-97 panalo nooong Enero 31.
Bumandera si Darren ColÂlison, naglista ng 18 points at 8 assists, sa isang 21-6 atake ng Dallas sa first quarter at ibinaon ang GolÂÂden State mula sa isang 27-point lead sa second quarter.
“We were right in the game against Golden State when we played them at their place a week ago,†wiÂka ni Collison. “I think everyÂbody was upset about that game. We knew had to go at them in the first five miÂnutes.â€
Pumukol si Marion ng 11-of-16 fieldgoal shooting at humablot ng 11 rebounds.
Nag-ambag naman si Dirk Nowitzki ng 15 points paÂra sa Mavericks.
Tumipa si Stephen CurÂry ng 18 points para sa WarÂÂriors kasunod ang 13 ni Carl Landry.
Hindi nanalo ang GolÂden State sa kanilang four-game road trip.