Magarbong opening sa PRISAA ikinasa

MANILA, Philippines - May 5,000 atleta at opis­yales mula sa 17 rehiyon sa gaganaping 60th Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Finals bukas sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

Si Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr. kasama si Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim Jr. ang mangunguna sa host province na sasaksi sa tatlong oras na seremonya.

Tampok sa palabas ang paggagawad ng pagkilala sa mga kilalang personalidad sa palakasan sa pangunguna ni dating PSC chairman Atty. Cecilio Hechanova.

Si Hechanova ang nakaupong PSC chairman noong 1990 noong buhayin uli ang PRISAA ni De. Emmanuel Y. Angeles.

Ang isa pang bibigyan ng pagkilala ay sina Atty. Felipe L. Gozon, Pangulo at CEO ng GMA Network, dating PSC commissioner at PRISAA official Dr. Anthony Nicanor, Philipine Amateur Baseball Association (PABA) president Hector Navasero at Segundo T. Gazmin.

May 18 sports discipli­nes ang paglalabanan sa torneo mula Pebrero 11 hanggang 15.

Kasama rito ang pitong team sports na basketball, baseball, beach volley, football, sepak takraw, softball at volleyball.

Show comments