^

PSN Palaro

Zheng malabo pang maging Pinay

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalagay uli sa balag ng alanganin ang hangarin ng national women’s team na gawing Pinay ang Chinese player na si Zheng Xiaojing.

Sa panayam kay na­tio­nal women’s coach Haydee Ong kanyang ibinulalas na nagkaaberya ang inaasahang madaling paglusot sa Senado ng House Bill 2683.

“Second reading na sana ito pero hindi na-tackle dahil may question si Senator Jinggoy Estrada,” wika ni Ong na nalungkot sa pangyayari.

“Tatlong taon na namin itong itinutulak pero hirap lumusot. Buti pa si Marcus (Douthit), ilang buwan lamang ay ayos na,” ani pa ni Ong.

Nasa Senado na ang isinusulong na batas na nagnanais na bigyan ng Philippine Citizenship si Zheng upang lumakas ang laban ng bansa sa women’s basketball sa Asian region.

Dahil sa pagkakaroon ng aberya, maaaring sa Hunyo na matatalakay ang bagay na ito dahil tiyak na magiging abala ang mga Senador sa magaganap na eleksyon sa Mayo.

Ang pagpasok sana ni Zheng sa Pambansang koponan ang magpapalakas sa hanap na kampeonato ng bansa sa 27th SEA Games sa Myanmar mula Disyembre 11 hanggang 22.

Tuloy pa rin ang pagsasanay ng national cage belles at sisikaping hanapan ng solusyon ang kakulangan ng malaking manlalaro para magtagumpay sa SEAG.

Pumangalawa ang bansa sa 2011 Indonesia SEAG matapos lumasap ng pagkatalo sa overtime sa Thailand.

BUTI

HAYDEE ONG

HOUSE BILL

NASA SENADO

ONG

PHILIPPINE CITIZENSHIP

SENATOR JINGGOY ESTRADA

ZHENG

ZHENG XIAOJING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with