Archbishop Villegas guest sa PRISAA opening

MANILA, Philippines - Si Lingayen Archbishop Socrates B. Villegas, D.D. ang magiging guest of honor at speaker sa pagbubukas ng 2013 PRISAA (Private Schools Athletic Association) National Games sa Pebrero 11 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.

Bago ito, ipagdiriwang muna ng PRISAA ang kani­lang pang 60 anibersaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng Diamond Jubilee Awards sa mga personalidad na tumulong sa organisasyon.

Ang tema ngayong taon ay ang ‘PRISAA:  Celebra­ting 60 years of Excellence in Sports’.

Sinabi ni PRISAA National Chairman Dr. Emmanuel Y.  Angeles na pinuri nina Governor Amado T. Espino Jr. at Vice Governor Jose Ferdinand Z. Calimlim Jr., Lingayen Mayor Ernesto C. Castaneda Jr., CHED Region I Director Caridad O. Abuan at PRISAA National President Atty. Gonzalo T. Duque ang sportsfest.

Isa sa mga tampok sa opening program ay ang Drum and Bugle Corps exhibition ng mga estudyante ng San Carlos College, Virgen Milagrosa University Foundation at University of Luzon.

Ang national games ay magpapakita sa 5,000 athle­tes, officials at coaches mula sa 17 rehiyon. 

Nakahanay sa event ang 18 individual at team events.

Idaraos ang Mutya ng PRISAA 2013 at ang vocal solo at duet competition sa Pebrero 13 sa Sison Auditorium ng Lingayen Capitol Complex.

 

Show comments