Laro sa Martes
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley
4 p.m. NLEX vs JRU
MANILA, Philippines - Gumawa ng kasaysaÂyan sa PBA D-League ang bagitong Jose Rizal University at sophomore Cagayan Valley nang dispatsahin ang Big Chill at Cebuana Lhuillier sa do-or-die quarterfinals game ng Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumana sa second half sina Dexter Maiquez at Byron Villarias upang makahulagpos ang Heavy Bombers sa SupercharÂgers, 80-71, at umabante sa semifinals laban sa three-time defending champion NLEX sa Martes.
Nagpasabog naman ng 30 puntos ang Cagayan Valley sa ikalawang yugto upang katampukan ang 88-73 dominanteng panalo sa Cebuana sa ikalawang laro.
Abante lamang ng anim ang Rising Suns, 29-23, nang magkapit-biÂsig sina Adrian Celada, Eluid Poligrates at James Forrester sa 16-2 palitan para hawakan ang 45-25 bentahe na naging 48-29 sa halftime.
Hindi nagpabaya ang tropa ni coach Alvin Pua para hindi masayang ang hawak na twice-to-beat advantage laban sa Gems at itakda ang best-of-three series laban sa number two seed na Blackwater Sports.
“Noong nanalo kami noong Martes, sinabi ko sa kanila na ambisyunin na namin ang semifinals. Nagtulung-tulong naman sila para makuha namin ito,†wika ni JRU coach Vergel Meneses na nasa unang paglahok sa liga.
Si Maiquez ay mayroong 18 puntos at 14 rebounds at 10 puntos ang ibinagsak sa huling yugto na kung saan nakalamang ng hanggang 14 ang Bombers, 68-54.
Dikitan ang bakbakan sa first half na natapos sa 31-all, pero nag-init si Villarias sa ikatlong yugto nang maghatid ito ng 10 sa kanyang 12 puntos para bigyan ang koponan ng 53-50.
Malaking bagay sa pagkatalo ng SupercÂhargers, na pumangalawa sa nagdaang conference at may twice-to-beat sa quarterfinals, ang pagkawala ni Terrence Romeo dahil sa dalawang labanang ito ay bumigay ang tropa ni coach Robert Sison sa huling yugto.