MANILA, Philippines - Bago pormal na maitakda ang salpukan nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Cuban titlist Guillermo Rigondeaux ay dapat munang maplantsa ng Top Rank Promotions ang problema sa Caribe Promotions.
Ayon kay Rigondeaux, hindi muna niya pipirmahan ang ipinadalang fight contract ni Bob Arum ng Top Rank sa kanya para sa kanilang unification bout ni Donaire, ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion.
Nagsampa ang Black, Srebnick, Kornspan & Stumpf, kumakatawan kay Boris Arencibia, may-ari ng Caribe Promotions, ng kaso laban kay Rigondeaux at sa Top Rank noÂong Agosto ng 2010.
Sa pagpirma ng 31-anÂyos na Cuban fighter sa panibagong kontrata sa Top Rank ay naitsapuwera na ang Caribe Promotions kaya ito nagsampa ng kaso.
Kasalukuyang nakabinÂbin ang nasabing kaso sa Miami-Dade County courthouse sa Florida.
“Top Rank sent a contract for the (Donaire) fight, which my advisers are reviewing, but I’ve made it clear to Top Rank that I want my legal problems between my promoter, Caribe Promotions, and Top Rank, to be resolved before the fight,†ani Rigondeaux.