MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ang Araw ng Mandaluyong sa Pebrero 9 sa pagdaraos ng tatlong Philippine Boxing Federation title fights na handog ng batikang promoter Jun Sarreal.
Ang mga magsusukatan ng galing sa ring ay sina Jason Mitsuyama at Rex Olisa sa 122 pounds, Rene Bestodio at Rufino Mante sa 130 pounds at Jimmy Aducal at Bryant Vicera sa 115 pounds.
Sina Bestodio at Aducal ay taga-Mandaluyong City at hawak nina Pablo Garcia Stable at Jay San Pedro Stable.
Ang lahat ng tagisan na ito ay inilagay sa 10-rounds.
Edad 28-anyos, si Mitsuyama ay may ring record na 18 wins sa 26 laban, kasama ang 8 KOs at kailangan niyang maipanalo ito para matuloy ang planong laban sa Japan sa ilalim ng World Boxing Organization.
Ang tubong Negros Occidental na nakabase na sa Shizuoka, Japan ay may dalawang KO panalo noong nakaraang taon laban kina Edyson Serrano at Tomoya Yamazaki.
Si Oliza ay isang 24-anÂyos na boksingero mula Iloilo at may ring record na 9 panalo sa 25 laban.
Si Bestodio ay may 13 panalo sa 21 laban kumÂpara sa 7 panalo sa 23 laban ni Mantes habang si Aducal ay may 5 panalo sa walong laban kumpara sa 11 win sa 19 fights ni Vicera.