MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Nonito Donaire, Jr., lalo pang sumikat noong nakaraang taon nang matalo si Manny Pacquiao ng dalawang sunod, ang mga Filipino world, international at national champions bilang Boxer of the Year sa 13th Gabriel “Flash†Elorde Memorial Awards and Banquet of Champions sa Marso 25 sa Dusit Thani Hotel.
Noong 2012, apat na laban ang naipanalo ng 30-anÂyos na si Donaire para ibigay sa kanya ang pinakamataas na karangalan sa Elorde Memorial Awards na idinadaos para sa 78th birth anniversary ni ‘Da Flash’, ang world junior lightweight champion mula 1960.
Tinalo ni Donaire si Wilfredo Vazquez Jr para sa bakanteng WBO super bantamweight crown noong Pebrero.
Napanatili niyang suot ang WBO title at inangkin ang IBF crown ni Jeffrey Mathebula noong Hulyo.
Tinalo niya si WBC champion Toshiaki Nishioka para sa pagdedepensa ng WBO title sa California noong Oktubre at patuloy na binitbit ang kanyang WBO crown mula sa isang third round KO win laban kay Jorge Arce sa Houston noong Disyembre.