MANILA, Philippines - Nangunguna ang tiyuhin ng walang talong si Floyd Mayweather Jr. na si Roger Mayweather sa mga naniniwala na dapat na magkrus ang landas ng pamangkin at ni Filipino boxing pride Manny Pacquiao.
Matibay ang paniniwala ng nakatatandang Mayweather na magiging makasayÂsayan pa rin ang labanang ito kahit maÂraÂmi na ang nangyari lalo na sa boxing career ni Pacquiao.
Matatandaan na lumasap ng di inaaÂsahang sixth round knockout na pagkatalo si Pacquiao sa kamay ni Juan Manuel MarÂquez noong nakaraang Disyembre.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Pacquiao sa taong 2012 matapos ang split decision na kabiguan kay Timothy Bradley noong Hunyo para mahubad ang dating hawak na WBO welterweight title.
“The Pacquiao fight has to happen with Floyd,†paggigiit ni Roger sa BoxingScene.com.
“People want to see it. People don’t care whether he got knocked out. Floyd will knock him out and that’s the fight they want to see,†dagdag pa ng nakatatandang Mayweather.
Tatlong taon ng sinikap na buuin ang mega fight na ito pero nauudlot ito ng mga usapin sa drug testing at sa kikitain sa laban.
Nabawasan ang usapin dito nang puÂmayag si Pacquiao sa kagustuhan ni Floyd na walang limitasyon sa drug tesÂting at ang pagsang-ayon ni Pacman na tumanggap ng mas maliit na kita.
Malabo naman na mangyari ang itiÂnutulak na laban sa taong ito dahil si MayÂweather ay balak isagupa kay Saul Canelo Alvarez habang si Pacquiao ay nakaÂtakdang bumalik sa huling quarter ng taon para harapin sa ikalimang pagkaÂkataon si Marquez.