NEW YORK -- Umiskor si Amare Stoudemire ng 21 points mula sa kanyang 10-for-10 fieldgoals at nagÂlunsad naman ang New York ng isang 38-4 atake sa first half para talunin ang Sacramento, 120-81, noong Sabado ng gabi.
Ito ang pang apat na sunod na panalo ng Knicks.
Iniwanan ng Kings ang Knicks ng 10 puntos nang pumasok si Stoudemire sa first quarter.
Dahil sa kanyang knee surgery, hindi nakita sa 30 laro ng New York si Stoudemire, isang dating All-Star.
Sa harap ng kanilang espesyal na panauhing mga 150 estudyante mula sa Sandy Hook Elementary School, hindi na halos kinailangan ng New York ang kanilang leading scorer na si Carmelo Anthony.
Tumipa si Anthony ng season low 9 points at natapos ang kanyang magkakasunod na 20-point games sa 31, ang pinakamahabang single-season streak sa franchise history.
Umiskor si J.R. Smith ng 25 points at may 15 si Steve Novak para sa Knicks na nagsalpak ng 19 3-pointers.
Humakot naman si Tyson Chandler ng 11 points at 20 rebounds para maÂging unang Knicks player na nagtala ng magkakasunod na 20-board games matapos si Marcus Camby noong Disyembre 8 at 11, 2001.