MANILA, Philippines - Dalawang malalaking trades ang tuluyan nang inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud ilang araw bago ang pagbubukas ng 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup.
Sangkot sa trade ang mga pangalan nina 6-foot-9 Japeth Aguilar ng Talk ‘N Text, 6’6 Globalport center Rabeh Al-Hussaini, Meralco scorer Sol Mercado at Globalport slasher Rey Guevarra.
Ibinigay ng Texters si Aguilar, ang 2009 PBA No. 1 overall pick, sa Batang Pier kapalit ni Al-Hussaini.
Nauna nang hiniling ng 24-anyos na si Aguilar, sinubukan ang kanyang kapalaran sa NBA DeveÂlopmental League ngunit hindi nakapaglaro sa isa mang koponan, sa PLDT franchise na dalhin siya sa ibang PBA teams dahil sa kakulangan ng playing time na ibinigay sa kanya ni dating mentor Chot Reyes.
Muli namang makakaÂsama ni Al-Hussaini, ang 2010 PBA No. 2 overall pick, si Norman Black na dati niyang mentor sa Ateneo Blue Eagles na nagkampeon sa UAAP sa kanyang paglipat sa Talk ‘N Text.
Inaprubahan din ni SaÂlud ang pagdadala ng Bolts kay Mercado sa Batang Pier kasama sina 6’6 rookie Kelly Nabong at Jaypee Belencion bilang kapalit nina Guevarra, Josh Vanlandingham, rookie Vic Manuel at 2015 first round draft pick.
“These new trades are healthy for the plaÂyers and teams involved, not to mention the league, as competitive balance among the member teams is decidedly enhanced,†wika ni Salud.
Sa nakaraang 2012-2013 PBA Philippine Cup na muling pinagharian ng Talk ‘N Text sa ikatlong suÂnod na pagkakatalo ay nagposte si Mercado ng mga averages na confeÂrence-best 19.1 points at 6.7 assists para sa Bolts.
“All the players and teams in this latest set of trades will enjoy equal and optimum benefits,†sabi pa ni Salud.
Magbubukas ang 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup sa Pebrero 8.
Ang San Mig Coffee ni coach Tim Cone ang magtatanggol ng kanilang korona na kanilang inangkin noong nakaraang taon sa likod ni import Denzel Bowles.