BAGUIO CITY, Philippines --UmaÂtake si Irish Valenzuela sa pinakamahalagang yugto ng karera upang hindi lamang naging lap winner kundi overall leader pa sa pagpasok ng criterium race na tatapos sa Ronda Pilipinas ngaÂyong araw.
Ibinuhos ng 25-anyos na siklista ng LPGMA-American Vinyl ang lahat ng kanyang lakas sa 15th stage na 34-km Individual Time Trial race mula sa Pugo, La Union hanggang Burnham Park sa Baguio City at lumabas siya bilang may pinakamabilis na oras sa mga naglaban.
“Pinangako ko sa mga teammates ko na babawi ako,†wika ni Valenzuela na naorasan ng isang oras, 23 minuto at 18 segundo upang lumundag mula sa ikatlong puwesto tungo sa unang puwesto.
May kabuuang oras si Valenzuela na 53:34:34 at masasabing disgrasya na lamang ang makakapigil sa nasabing siklista para mapagharian ang 16-stage, 21-araw na kaÂrera.
Ang criterium race ay isang 2.7km karera at ang mga siklista ay tatakbo sa loob ng 25 laps kaya’t mahihirapan nang mahubad kay Valenzuela ang red jersey.
Si Ronald Oranza ng PLDT-Spyker na lider matapos ang Stage 14 at angat ng 33 segundo kay Valenzuela ay tila nakaÂramdam na ng pagod at tumapos sa pang-anim lamang sa 1:26:23 oras.
Bumaba na siya patuÂngo sa ikatlong puwesto sa overall sa 53:37:16 oras.
Si Ronald Gorrantes ng Roadbike Phl ang pumaÂngatlo sa 1:24:48 upang makuha na ang ikalaÂwang puwesto sa overall sa 53:36:58 tiyempo.
Ang kakampi niyang si Mark Galedo na siya ring nagdedepensang kampeon ang pumangalawa sa 1:24:18 at ang malakas na ipinakita nila ni GorranÂtes ang nag-angat sa kanilang koponan sa unang puwesto sa team race.
May 157:40:08 oras ang Roadbike Phl upang iwanan ang dating una na Navy-Standard at PLDT-Spyder’s na nasa ikalawa at ikatlong puwesto bitbit ang 157:42:07 at 157:43:54 oras.