^

PSN Palaro

Inagaw ang stage 15 para sa liderato humataw si Irish

Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines --Uma­take si Irish Valenzuela sa pinakamahalagang yugto ng karera upang hindi lamang naging lap winner kundi overall leader pa sa pagpasok ng criterium race na tatapos sa Ronda Pilipinas nga­yong araw.

Ibinuhos ng 25-anyos na siklista ng LPGMA-American Vinyl ang lahat ng kanyang lakas sa 15th stage na 34-km Individual Time Trial race mula sa Pugo, La Union hanggang Burnham Park sa Baguio City at lumabas siya bilang may pinakamabilis na oras sa mga naglaban.

“Pinangako ko sa mga teammates ko na babawi ako,” wika ni Valenzuela na naorasan ng isang oras, 23 minuto at 18 segundo upang lumundag mula sa ikatlong puwesto tungo sa unang puwesto.

May kabuuang oras si Valenzuela na 53:34:34 at masasabing disgrasya na lamang ang makakapigil sa nasabing siklista para mapagharian ang 16-stage, 21-araw na ka­rera.

Ang criterium race ay isang 2.7km karera at ang mga siklista ay tatakbo sa loob ng 25 laps kaya’t mahihirapan nang mahubad kay Valenzuela ang red jersey.

Si Ronald Oranza ng PLDT-Spyker na lider matapos ang Stage 14 at angat ng 33 segundo kay Valenzuela ay tila naka­ramdam na ng pagod at tumapos sa pang-anim lamang sa 1:26:23 oras.

Bumaba na siya patu­ngo sa ikatlong puwesto sa overall sa 53:37:16 oras.

Si Ronald Gorrantes ng Roadbike Phl ang puma­ngatlo sa 1:24:48 upang makuha na ang ikala­wang puwesto sa overall sa 53:36:58 tiyempo.

Ang kakampi niyang si Mark Galedo na siya ring nagdedepensang kampeon ang pumangalawa sa 1:24:18 at ang malakas na ipinakita nila ni Gorran­tes ang nag-angat sa kanilang koponan sa unang puwesto sa team race.

May 157:40:08 oras ang Roadbike Phl upang iwanan ang dating una na Navy-Standard at PLDT-Spyder’s na nasa ikalawa at ikatlong puwesto bitbit ang 157:42:07 at 157:43:54 oras.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

BAGUIO CITY

BURNHAM PARK

INDIVIDUAL TIME TRIAL

IRISH VALENZUELA

LA UNION

ROADBIKE PHL

SHY

VALENZUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with