Wala pa mang isang atleta na nagkokompetisyon sa Myanmar, Burma para sa Southeast Asian Games, eto sangkaterba na ang pagpuna sa host country.
Nagagalit at nalilito na ang lahat ng miyembro ng SEA Games, kasama na ang Pilipinas, dahil sa mga sports na paglalabanan dito. Kamakailan ay nagpadala ng listahan ang Burma na pinalitan ang mga Olympic sports sa tradisyunal na Burmese games.
Kabilang sa mga pinalitan na sports ay ang water polo, badminton, gymnastics, tennis, beach volleyball at table tennis. At ang ipinalit ay ang kempo, tarung derajat, vovinam at chinlone (cane ball) na hindi naman pamilyar ang karamihan sa mga bansang kalahok.
Ang table tennis at gymnastics ay nilalaro na sa SEAG noon pang 1950s, habang malalakas naman ang Indonesia at Singapore sa tennis at gymnastics.
Ang beach volleyball naman ay tinanggal dahil hinÂdi angkop ang kasuotan ng mga atletang lalaro rito sa kultura ng Burma.
Nagpahayag na ng disgusto ang ilang opisyal ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na nagbanta na magpapadala na lamang ng token delegation. Ibig sabihin mas kaunti kaysa sa dating nakagawian o kaya ay mga opisyal lamang ang posibleng ipadala dito.
Siyempre pa sa mga sports na ito tiyak na ang magÂÂwawagi lamang ay ang Burma. Kaya nga lamang para namang sumobra ang Burma sa pribelehiyong ibinigay sa kanila para lamang matiyak na mananalo ang kanilang mga atleta.
Batay sa SEAG regulation, maaari lamang magkaÂroon ng walong tradisyunal na sports. Pero ang BurÂma ay 14 na ang inilagay at ang karamihan dito ay tradisyuÂnal nilang martial arts.
Sa SEA Games, ang host country ay may karaÂpaÂtan na pumili kung ano ang mga games na paglalabanan.
Bagama’t magkakaroon pa ng mga pagpupulong, nagpahayag na ang Myanmar na pananatilihin ang kagustuhan nila na ilagay sa listahan ng kompetisyon ang kanilang tradisyunal na laro.
Kunsabagay sila nga naman ang gagastos kaya’t susulitin na ng Burma, pero medyo pakiramdam nga lang ng ibang bansang kalahok na inabuso ng Burma ang bagay na ito. Asahan na natin na marami sa mga bansang kalahok ang magsusumite ng kanilang reklamo bago pa man magsimula ang laro sa Dec. 11.