^

PSN Palaro

Pagkatapos ng FIBA Asia, Salud planong idaos ang 3rd conference

Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE--May plano ang PBA na gawin ang third conference matapos ang FIBA-Asia Men’s Championship na nakakalendaryo mula Agosto 1 hanggang 11.

Ito ang isa sa plano ni PBA commissioner Atty. Chito Salud para bigyan ng mas mahabang pagsasanay ang National team na magbabalak na masama sa unang tatlong bansa na tatapos sa torneo at makalaro sa FIBA World Cup sa Spain sa 2014.

Hindi pa napagkakasunduan ng kasapi ng PBA board ang proposal na ito ni Salud pero pasado ito sa nakararami.

“Since we’re helping them why not help them fully,” wika ni Air21 governor Lito Alvarez.

“Naunang sinabi ni Salud na handa ang liga na paikliin ang iskedyul ng ikatlong conference na Governor’s Cup makapagsanay nang husto ang makukuhang manlalaro.

“We are bending our backwards. What is clear from the PBA standpoint is we are here to fully support the cause of Gilas Pilipinas. As a proof, we will come out with a third conference schedule that will certainly strengthen the chances of our National team,” wika ni Salud.

Nagkita na sina Salud at National coach Chot Reyes at nagpulong sa puwedeng gawin at naihayag ng huli na hihintayin niya ang desisyon ng PBA sa huling conference bago pangalanan ang mga manlalarong totokahan ng bansa na ipasok ang Pilipinas sa World Cup.

AGOSTO

ASIA MEN

CHITO SALUD

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

LITO ALVAREZ

NAGKITA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with