Sangkot ang 6 na koponan mega trade niluluto sa Singapore
SINGAPORE--MalalaÂking pangalan ng manlalaro mula sa anim na PBA teams ang binabalak na pagpalit-palitin sa isang malaking trade sa pro league.
Ang mga koponang kaÂÂsali ay Talk ‘N Text, MeÂralÂco, Globalport, Petron Blaze, Barangay Ginebra at Air21 habang ang mga manlalaÂrong kasama sa rigodon ay kinabibilangan nina Japeth Aguilar, Sol Mercado, Jay Washington, Kerby Raymundo, Ronjay Buenafe at Rabeh Al-Hussaini.
Nasa Singapore ang mga PBA teams para sa isang board meeting at dito sinisikap na maisaayos ang trade na tiyak ding magpapalakas sa mga koponan.
Si Aguilar ay naghayag ng pagnanais na malipat ng ibang koponan dahil sa hanap na playing time at ang Globalport ang handang magpagamit para maÂkakuha ng manlalarong magpapatibay sa kanilang line-up.
Sa plano, si Aguilar ay dadalhin sa Barangay GinebÂra kapalit ni Raymundo na ipapalit kina Mercado at Kelly Nabong ng Meralco.
Hanap ng Globalport na makakuha ng matibay na pointguard na kayang ibigay ni Mercado.
Hindi naman mahirap para sa Fil-Am guard na maglaro sa baguhang koponan dahil naisuot na niya ang uniporme ng koponang pag-aari ni Mikee Romero sa PBL.
Ang iba pang manlalaro na puwedeng mahagip ay sina 6’7 Jason Ballesteros, ang masipag na forward na si Vic Manuel, gunners John Wilson at Josh Vanlandingham at role players Aaron Aban at Chris Ross
Magiging kontento rin ang ibang nasasangkot na koponan kung makuha ang nais na manlalaro sa pakikipagpalitan.
“If we get Rabah for Japeth, we’re okay,†pahayag ni Patrick Gregorio ng Talk ‘N Text.
Inaasahan na bago buÂmalik ang mga koponan ng bansa ay naayos na ang trade na ito.
Nauna ng nagkaroon ng palitan sa hanay ng limang koponan na kinabilangan ng walong manlalaro.
Ang Petron Boosters ay kinuha si Ronald Tubid sa Barako Bulls na ipinagpalit kay Jojo Duncil at Alex Mallari. Inilipat naman ng Barako Bulls si Mallari sa San Mig Coffee kasama sina Lester Alvarez at Leo Najorda kapalit nina JC Intal, Jonas Villanueva at Aldrech Ramos.
Si Ramos ay inilipat sa Alaska, si Alein Maliksi ay napunta sa Barako at si Mac Baracael ay nagtungo sa Kings.
- Latest