MANILA, Philippines - Tinalo ni Vietnamese Grandmaster Nguyen Ngoc Truong Son si Filipino GM John Paul Gomez upang pangunahan ang idinaos na Asian Zone 3.3 Chess Championship na natapos kahapon sa TagayÂtay International Convention Center sa Tagaytay City.
Nagwakas ang kampanya ng second seed sa torneo bitbit ang 7.5 puntos sa nine-round tournament para angkinin din ang puwesto sa 2013 World Chess Cup sa Tromso, Norway mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5.
Ang pambato ng bansa na si GM Wesley So ay tumabla sa isa pang Vietnamese GM na si Cao Sang matapos ang 30 sulong sa Four Knights Game para malagay sa ikalawang puwesto.
Sa kabuuan, si So na may pinakamataas na ELO rating na 2682, ay may limang panalo at apat na draw tungo sa pitong puntos at umabante rin sa World Cup.
“Tiniyak ko lang na makakalaro ako sa World Cup kaya okey na ang draw,†wika ni So na nakaÂtakdang maglaro sa Reykjavic Open sa Iceland sa susunod na buwan.
Kinumpleto ni WGM Nguyen Thi Thanh An ang dominasyon ng Vietnam sa torneo na inorganisa ng National Chess FeÂderation Philippines (NCFP) nang hiranging kampeon sa kababaihan bitbit ang 6.5 puntos.
Natalo si Nguyen kay WIM Catherine Perena ng Pilipinas pero walang epekÂto ito dahil malayo na siya sa mga naghahabol sa pangunguna ng 16-anyos na si Bernadette Galas.