MANILA, Philippines - Matutuwa ang mga paÂnatiko ng PBA dahil sa de-kalibre ang mga imports na mapapanood sa Commissioner’s Cup na magbubukas na sa Pebrero 8 sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang magkakaisang tinuran ng mga deputy coaches na sina Patrick Fran ng Meralco Bolts, CaÂloy Garcia ng Rain or Shine, Gee Abanilla ng Petron Blaze at Koy Banal ng nagdedepensang San Mig Coffee na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
“Compared to last year, mas maganda ang quality ng imports sa taong ito. All the coaches scouted for the best possible imports that will fit their system,†wika ni Banal.
“The coaches did their homework since this is a short conference, teams must start strong at hindi puwedeng magpalit-palit ng import,†segunda ni Garcia.
Ang Elasto Painters ay sasandal sa 7’3 higanteng si Bruno Sundov ng Croatia sa adhikaing maipasok ang koponan sa Finals sa ikatlong sunod na confeÂrence.
“Dominating siya sa practice pero wala pa kaÂming mga tune-up games. He has a decent shot from the outside at may post play din. Mahina kami sa rebounding at sana matulungan niya kami rito,†dagdag ni Garcia.
Ang iba pang imports ay sina 6’10 Michael Dunigan ng Air21 Express, 6’9 Robert Dozier ng Alaska Aces, 6’9 Evan Brock ng Barako Bull, 6’10 Herbert Hill ng Barangay Ginebra San Miguel, 6’9 Eric Dawson ng Meralco Bolts, 6’10 Justin Williams ng Globalport, 6’8 Renaldo Balkman ng Petron Blaze Boosters, 6’11 Matt Rogers ng San Mig Coffee, at 6’11 Keith Benson ng Talk N’Text.
Ang mata ay tiyak na ipaÂpaling sa San Mig Coffee na magtatangkang maÂidepensa ang titulong pinanalunan noong nakaÂraang taon gamit ang import na si Denzel Bowles.
Tinalo ng tropa ni coach Tim Cone ang Talk N’Text sa Game seven sa overtime at tampok na kaganapan sa laro ay ang dalawang free throws ni Bowles may 1.7 segundo upang magkaroon ng extention.
Naniniwala naman si Banal na nakita na ni coach Tim Cone na maglaro si Rogers kaya’t kinuha bilang kapalit ni Bowles na naglaÂlaro sa ibang liga.
Ang Tropang Texters, turo ng apat na assistant coaches ang isa pang maÂlakas na koponan lalo pa’t hanap nila ang ikalawang sunod na kampeonato sa season.
Sa hanay ng mga imports, si Balkman ang lalabas bilang pinakamaliit sa 6’8 pero kumbinsido si Abanilla na hindi madedehado ang kanilang 28-anyos na import na beterano ng NBA mula 2006 hanggang 2012 sa mga koponan ng New York at Denver Nuggets.
Hindi pa nasa 100-percent ang kondisyon ni Balkman pero walang problema ito dahil makukuha niya ang tunay na porma sa paghaba ng liga.
Si Balkman ay may NBA career average na 4 puntos at 3.5 rebounds sa 13.9 minutong paglalaro sa 221 games.