3 SBC teams bigo sa 30th SeaOil MMBL

MANILA, Philippines - Minalas ang mga koponan ng San Beda nang wa­lang palaring maging kampeon sa tatlong inilaban sa 30th SeaOil MMBL finals na ginawa sa San Beda gym sa Mendiola kamakailan.

Nasa Finals ang Red Cubs sa Division A, C at D ngunit pare-parehong dumanas ng masakit na kabiguan sa mga nakalaban.

Ang Team  A na kampeon sa NCAA ay hiniya ng Hope Christian High School, 93-87, sa Division I.

Naipasok ni Wally Villanueva ang isang tres upang tabunan ang 82-80 bentahe ng Red Cubs bago ang isa pang tres ni Clint Doliguez ang tuluyang nagtiyak ng panalo sa Hope Christian.

Si Doliguez ay nagpasabog ng 46 puntos para ibigay sa paaralan ang ikalawang kampeonato matapos dominahin ang Philippine Secondary Schools Basketball Championship.

Tinalo ng Hope Christian sa PSSBC ang San Sebastian Staglets para sa titulo.

Nauna namang yumukod ang San Beda sa NU Bullpups, 80-58, sa Division 4, habang ang inilaban sa Division 3 ay talunan ng San Benildo, 77-63.

Ang isinali sa Team B ng San Beda ay napatalsik naman sa semifinals ng National University.

 

Show comments