Malaking problema ang kinakaharap ng Philippine Sports Commission sa mga susunod na taon.
Kinakailangan nilang maghanap ng bagong pagÂkukunan ng budget makaraang P40 milyon na lamang mula sa dating P60 milyon ang makukuha nila sa PAGCOR. Mula sa budget na ito kinukuha ang pagtustos sa allowance, ng atleta, equipment, pambayad sa coach at maging ang paghahanda at pagsali sa mga event.
Kung mawawala ang malaking tipak ng pondong ito, tiyak na magsasakripisyo hindi lamang ang PSC kung hindi pati na rin ang mga atleta.
Kunsabagay ay may dapat ding panagutan ang PSC at maging ang Philippine Olympic Committee at National Sports Association. Masyado kasi silang umasa sa mga pera na nanggaling sa gobyerno gaÂyong sila mismo ay maaaring gumawa ng paraan upang mapunan ito at ma-imaximize pa ang budget.
Bukod dito, tila naging pabaya din ang PSC sa pagÂpapaalala sa mga NSAs na may obligasyon ang mga ito na suklian nang magandang performance ang pera ng bayan. Kasi nga naman walang naipapaÂkiÂtang magandang performance ang mga Pilipino mula sa ating NSAs.
Sunud-sunod ang debacle sa mga internasyunal na kumpetisyon kaya’t nawalan ng gana ang mga Pinoy na palakpakan pa ang mga Filipino athletes. Pero, hindi dapat ang mga atleta ang sinisisi, nasa kanila ang puso, kaya lamang ang problema ay ang mismanagement at mishandling ng marami sa mga NSAs.
Noon pa ay maraming eksperto ang nagsasabi na kinakailangang lingunin at hukayin natin ang grass roots para makahanap ng mahuhusay na atleta. KinaÂkailangan din na simulan ang mga ito ng bata pa. Meron din namang nagsabi na pumili ng elite athletes at iyon ang i-groom, para bang may national pool talaga, at hindi iyong kunwari o sa pangalan lamang.
Pero, magagaling ang mga nasa PSC at NSAs kaya ginawa nila ang inaakala nilang nararapat. Sunud -sunod ang debacle sa sports, ewan nga lamang kung bakit may mukha pang inihaharap ang marami sa mga NSA officials na iyan.
Kaya ayan na ang nangyari. Nagsawa na ang gobyerno sa pagsuporta sa NSAs. Saan na kaya sila pupulutin.
Kinakailangang maghanap sila ng pantustos para masapatan ang kanilang pangangailangan.