W Visayas, Sl biyahe na sa semis

 Laro Ngayon

9 a.m. Victoria vs NL

10 a.m. WV vs CV

11 a.m. Mindanao

vs NCR-South

12 n.n. NCR-West vs SL

 

MANILA, Philippines - Isinulong ng Wes­tern Visayas ang pagpapa­nalo sa tatlong sunod nang kalusin ang Eastern Visayas, 25-6, 25-11,sa pagpapatuloy kahapon ng Shakeys Girls Volleyball Tournament-of-Champions sa Ninoy Aquino Stadium.

May tatlong aces at apat na hits si Roma Joy Doromal, apat na hits at isang block ang hatid ni Sarah Jean Gonzaga habang tatlong spikes ang ginawa ni Princess Robles para sa nanalong koponan.

Bago ito, kuminang ang WV na kinatawan ng Central Philippine University, sa Pool B laban sa Northern Luzon, 25-10, 25-5, at sa bisitang Victorias ng Australia, 25-16, 22-25, 25-20, noong Lunes at Martes.

“Mahalaga ang laro namin sa Victorias kaya sinabi ko sa kanila na kung tatalunin namin sila, papasok kami sa semis,” wika ni Western Visayas coach Jeffrey Alcarde.

Ang kabiguan ng Aussie team ay kanilang ikalawang sunod para malagay sa peligro na mapatalsik agad sa koponang supor­tado ng Shakeys at inorga­nisa ng Metro Sports.

Magtatapos ang elimination round ngayon at pu­puntiryahin ng WV ang sweep laban sa Central Vi­sayas.

Ang Southern Luzon na binubuo ng manlalaro ng La Salle-Lipa, Imus Institute at University of Perpetual Help-Laguna ang lider sa Pool A sa 3-0 nang kalusin ang Mindanao, 25-13, 25-19, at NCR-South, 13-25, 25-18, 25-22, sa kanilang dalawang laro noong Martes.

Bunga ng panalo ng Western Visayas at S Luzon, inupuan na nila ang 1-2 position sa semis.

Show comments