MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng waÂlong manlalaro na nagsaÂnay kasama ng Azkals ang nagpapatibay sa paniniwala ni team manager Dan Palami na mananalo na ng medalya ang Pilipinas sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Sina Marvin at Marwin Angeles, Matthew Uy, Jason de Jong, Manny at Matt Ott at Jeffrey ChrisÂtiaens ay mga manguÂnguna sa U-23 team na ilalaban sa Myanmar.
Ang pambatong goalkeeper na si Neil Etheridge ay posible ring makasama sa koponan ayon kay Palami.
“He might join the team depending on his schedule. With eight players who trained with the Azkals since last year, I do believe our chances for a medal is strong,†wika ni Palami.
Hindi pa nananalo ng medalya ang Pilipinas sa kasaysayan ng SEA GaÂmes football.
Sa huling SEA Games sa Indonesia ay pinaniwalaan na magdiriwang na ang bansa sa pinakapopular na laro sa mundo dahil pinalakas ang koponan ng pagkuha sa mga Fil-Foreigners at ginabayan pa ito ni Azkals German coach Hans Michael Weiss.
Pero walang kinang ang naipakita ng koponan nang magkaroon lamang ng isang panalo sa limang laro para mamaalam agad sa group stage.