^

PSN Palaro

Pukpukan ang labanan sa stage 9 Valenzuela mag-iingat

Pilipino Star Ngayon

ALAMINOS CITY, Philippines --Hu­makot na ang LPGMA-American Vinyl ng ilang team championships sa mga nakaraang karera. Ngu­nit ang wala pa silang nakakamit ay ang individual crown.

Sinabi ni LPGMA-Ame­rican Vinyl coach Rene Dolosa na target nila ang overall individual title ngayong taon sa Ronda Pilipinas sa pagsabak ng mga siklista sa huling yugto ng 16-stage bikathon sa Luzon.

Matapos ang mga karera sa Mindanao, Visayas at laps sa Tarlac at Panga­sinan, dalawang riders ng LPGMA ang nakapasok sa top 10.

Ang mga ito ay sina skipper at overall leader Irish Valenzuela at Cris Joven na makikipag-agawan sa P1-million champion’s prize na nakamit ni Mark Ga­ledo noong nakaraang taon.

Napanatiling suot ni Valenzuela, natalo kay Galedo para sa 2012 Ronda title ng 33 segundo, ang red jersey matapos ang walong stages, habang nasa ikatlo naman si Joven sa kanyang oras na 3:59.

“We’re definitely after the individual title. Hopefully, we can sustain what we’ve already started,’’ sabi ni Dolosa, isang two-time Tour champion noong 1990’s.

Ang multi-titled team nina LPGMA partylist re­presentative Arnel Ty at American Vinyl owner Eric Sy ang kumuha sa 2011 Ronda team classification championship at tumapos na pangalawa sa overall noong 2012.

Palagiang lumalaban sa mga local at foreign races, sinabi ni Dolosa na ang kanilang tagumpay ay mula na rin sa grassroots development program ng LPGA na dumiskubre sa mga talento sa iba’t ibang probinsya.

Si Joven ay isa sa 10 ri­ders sa “athlete from the barrio program’’ ng LPGMA, isang long-term project na nakatuon sa pagtataguyod sa mga siklistang maa­aring manalo ng medalya sa international stage.

“We embarked on this project not only to help these riders earn a chance to win prestigious races and make the country proud. We also want them to have better lives after their careers are over,’’ sabi ni Ty.

Ang LPGMA-American Vinyl ay isang pre-race favorite para makuha ang team general classification noong nakaraang taon ngunit nabigo at tumapos na second overall.

Babaybayin 86 siklista ang 2,200 kilometro kabuuang ruta at ang aksyon ngayon na magsisimula sa Mangaldan, Pangasinan at magtatapos sa Vigan, Ilocos Sur ang ikalawang pinakamahabang ruta sa karera dahil nasa 193.9-kilometro ang distansya  ng tagisan na itinalaga bilang Stage Nine.

Ang isa sa pinakamahigpit na kalaban ni Valen­zuela ay ang 20-anyos na si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder na kapos lamang ng isang minuto at walong segundo sa overall tile sa 29:58:47.

“Didikit muna pero kung magkakaroon ng pagkakataon ay aatake uli,” pahayag ni Oranza na nanalo sa Stage 7 na Tarlac-Subic at pumangalawa sa Stage 3 Pagadian-Iligan race.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

ARNEL TY

CRIS JOVEN

DOLOSA

ERIC SY

ILOCOS SUR

IRISH VALENZUELA

MARK GA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with