Gilas 2 inilampaso ang Indons

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Garvo Lanete ang apat na manla­laro ng Gilas II na tumapos sa doble-pigura upang ibigay sa koponan ang 110-78 panalo sa Indonesia sa pagbubukas ng 9th Super Kung Sheung Cup International Basketball Invitational Championship kahapon sa Queen Elizabeth Stadium, Wanchai, Hong Kong.

May 21 puntos ang gun­ner na mula San Beda pero hindi siya kinulang ng suporta dahil ang mga PBA players na sina Niño Canaleta at Gary David ay mayroong 17 at 14 habang 11 ang ibinigay pa ni Kevin Alas.

Ang Nationals na hawak ni coach Chot Reyes ay naka­-grupo sa Group B ka­sama ang host Hong Kong at Malaysia.

Magpapatuloy ang aksyon ngayon at  katipan ng Pilipinas ang host country sa ganap na alas-7 ng gabi.

Ang group elimination ay matatapos bukas at ang Nationals ay mapapalaban sa Malaysia sa ganap na alas-2:30 ng hapon.

Nasa Group A ang mas malalakas na koponan na kinabibilangan nagdedepensang Southern California Fukienese Association (USA), Changsa Park Lane Snow Wolves, Hong Kong Xinlibao Bulls at Thailand.

Ang mangungunang dala­wang kopona sa bawat grupo ang aabante sa crossover semifinals na lalaruin sa Biyer­nes habang ang one-game finals ay idaraos sa Sabado.

Show comments