^

PSN Palaro

Puwesto sa World Chess Cup nakataya sa Asian Zonal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa World Chess Cup ang isang insentibong paglalabanan ng mga mahuhusay na manlalaro sa chess sa pagbubukas ngayon ng Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay International Convention Center.

Mangunguna si Indonesian Grandmaster Susanto Megaranto sa mga kasali bilang nagdedepensang kampeon habang ang lahok ng bansa ay ibaban­dera ni Grandmastter Wesley So.

Si So ay pansamantalang nagbakasyon mula sa kanyang pag-aaral sa US para makasali sa torneong gagawin hanggang Enero 30.

Bukod sa naglalakihang premyong salapi, ang mangungunang dalawang manlalaro ang aabante sa World Cup na lalaruin sa Tromso, Norway mula Agosto 10 hanggang Set­yembre 5.

Si So na may ELO ra­ting na 2685 ang puma­ngalawa kay Megaranto sa nagdaang edisyon.

Si Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino ang siyang magiging punong-abala bilang pa­ngulo ng Asian Zone 3.3.

“The city will  make sure that all participants, especially the foreigners, will enjoy there here in Tagaytay,” wika ni Tolentino na secretary-general din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Ang iba pang pambato ng bansa ay sina GM Mark Paragua na sariwa sa pagkapanalo sa PSC Cup International Chess Championships; GM Rogelio “Joey” Antonio Jr., GM Richard Bitoon, GM Eugene Torre at GM Darwin Laylo.

Si GM Oliver Barbosa pa lamang ang nakatiyak ng puwesto sa Pilipinas sa World Chess Cup nang pumanglima sa idinaos na Asian Chess Champion­ship noong Mayo sa Vietnam.

Bukod sa Indonesia, ang Vietnam ay magpapadala rin ng malakas na delegasyon para maging palaban sa kampeonato.

ANTONIO JR.

ASIAN CHESS CHAMPION

ASIAN ZONE

BUKOD

CHESS

CHESS CHAMPIONSHIP

CUP INTERNATIONAL CHESS CHAMPIONSHIPS

SI SO

WORLD CHESS CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with