SUBIC, Philippines --Sa pagkakataong ito ay naisakatuparan ng 20-anyos na si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ang inasam na maging lap winner sa Ronda Pilipinas nang manalo sa Stage SeÂven na 180.5-km karera mula Tarlac City hanggang Subic Bay Metropolitan Authority.
Hinintay ni Oranza na mapagod ang mga kaÂsaÂmaÂhan sa lead pack na kinaÂbibilangan ni overall leader IriÂsh Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl para maÂhiÂgitan ang paÂngaÂlawang puwestong pagtatapos sa Stage Three.
Lumalabas na sina OranÂza, Cris Joven ng LPGMA-AV at Ronald Gorantes ng Roadbike Philippines ay sabay-sabay na tumawid sa finish line sa oras na apat na oras, 21 minuto at 57 seÂgundo.
Pero si Oranza ang piÂnaÂlad na nanalo nang naÂuna ang kanyang gulong na tumawid sa meta.
“Sa wakas, nanalo na rin ako ng lap,†masaÂyang pahayag ni Oranza na tumanggap ng P50,000.00 premyo.
Ang 25-anyos na si ValenÂzuela na kasama ng tatlong naunang siklista, ay nasa lead pack hanggang sa huling 400-metro ng karera bago napagod at nakontento sa ikalimang puwesto, isang segundong kapos sa pumang-apat at dating overall leader Santy Barnachea sa 4:22:01 tiÂyempo.
“Noong nakakuha ng pagkakataon ay trinangkuhan ko na hanggang sa pag-ahon at paglusong pero naubos din ako sa huli,†wika ni Valenzuela.
Hindi naman nagalaw ang puwesto niya sa overall sa naipundar na 25:03:07 habang si Oranza na ang nasa ikalawang puwesto mula sa pangatlo kahapon sa 25:40:46 tiyempo.
Ang kakampi ni Oranza na si El Joshua Carino na kahapon ay nasa ikalawang puwesto ay bumaba sa ikaanim na puwesto nang kapitan ng flat tire sa kaagahan ng karera.
Si Joven ang nasa ikatlo sa 25:43:37 bago sinundan ni Gorantes sa 25:43:50 at Barnachea sa 25:44:22.
Dahil sa tikas nina VaÂlenzuela at Joven, ang LPGMA-AV ang nanguÂnguna na sa team race sa 77:25:04 habang ang dating una na PLDT-Spyder at Navy-Standard ang nasa ikalawa at ikatlong puwesto, sa 77:26:52 at 77:29:07 tiyempo.
Magpapatuloy ang tagisan ng mga siklista ngaÂyong umaga sa Stage Eight na Olongapo hanggang Alaminos, Pangasinan na isang 183.4 kilometrong karera.