^

PSN Palaro

PNSA iiwan na ni Romero

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming responsibilidad, nagdesisyon si businessman/sportsman Mikee Romero na ibigay na ang pagiging pangulo ng Philippine National Shooting As­sociation (PNSA).

Sa Pebrero 16 ay magdaraos ang aso­sasyon ng halalan at si Romero ay nag­desisyon na huwag ng lumahok sa eleksyon.

Noong Hunyo, 2011 naupo si Romero bilang kahalili ng nagbitiw na pangulo na si Art Macapagal.

“I will be doing a disservice to the asso­ciation if I will continue to cling on my position while I’m out most of my time,” wika ng 41-anyos na si Romero.

Bukod sa abala sa  negosyo na Harbour Centre, si Romero ay isa ring team owner sa PBA gamit ang Globalport at nais niyang bigyan din ito ng panahon upang makabangon sa second conference matapos magtala lamang ng isang panalo sa Philippine Cup.

Hindi naman iiwan ni Romero ang PNSA na walang ginawa dahil marami siyang naitulong upang gumanda ang takbo ng samahan.

Nailagay niya sa Marine Range ang kauna-unahang electronic target system na nakatulong sa pagsasanay ng national shooters.

Ang pagtutok at pangungumbinsi ni Romero kay Asian Shooting Federation president Shiek Salman ang nagbigay daan upang masama si shotgun shooter Brian Rosario sa London Olympics bilang wildcard.

Dahil sa magandang relasyon sa Southeast Asian Shooting Federation ay ibinigay nila sa Pilipinas ang hosting ng 2013 SEASA Shooting Championship.

Maayos din ang relasyon ng asosas­yon sa POC at PSC  habang napansin din ang Bench Rest rifle group upang dumami ang nahilig sa small bore (.22) at big bore (.223) rifle events.

Nangako naman si Romero na tutulong pa rin kahit wala na kung kakaila­nganin ng mauupong administrasyon.

ART MACAPAGAL

ASIAN SHOOTING FEDERATION

BENCH REST

BRIAN ROSARIO

DAHIL

HARBOUR CENTRE

LONDON OLYMPICS

MARINE RANGE

ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with