6 Pinoy wrestlers magsasanay sa Iran
MANILA, Philippines - Gamit ang intensibong paghahanda, ang Wrestling Association of the Philippines (WAP) ay may kumpiyansa na mahihigitan ang kinuhang gintong medalya noong 2011 sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Anim na lalaking wrestÂlers ang tutulak sa Iran at mananatili roon sa loob ng 10 buwan para mapaghandaan ang SEA Games.
“Iran is a powerhouse in wrestling in Asia. Kaya malaki ang matututunan ng mga wrestlers natin sa magaganap na training,†wika ni WAP president Albert Balde.
Ang mga tutulak patuÂngong Iran ay sina MargaÂrito Angana, Joseph Angana, Jason Balabal, Alvin Lobreguito, Roel Lorada at Johnny Amorte.
Sina Margarito at Jason ang mga wrestlers na kumuha ng ginto sa Indonesia SEA Games sa Grego Roman at siyang napipisil na magdomina uli sa Myanmar.
Target ng WAP na paalisin ang national wrestlers sa Pebrero 15 at magtatagal sila sa Iran hanggang Disyembre 1.
Balik sila ng bansa para maghanda sa pag-alis ng pambansang delegasyon para sa SEAG na itinakda mula Disyembre 11 hanggang 22.
- Latest