MANILA, Philippines - Lalaban ng sabayan ang Hope Christian High School sa gaganaping ShaÂkey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions na magsisimula sa Lunes sa Ninoy Aquino Stadium.
Ibabandera ng MVP na si Justine Dorog, ang HCHS ang siyang nagdeÂdepensang kampeon pero mapapalaban sa walong mahuhusay na local teams at ang bisitang Australian team.
Makakatulong ni Dorog sina Desiree Cheng, Bel Molde at Chester Ong na nagsanib-kamay nang talunin ang Colegio San Agustin sa finals ng NCR Leg kamakailan.
Ang liga ay inorganisa ng Shakey’s Pizza at suportado ng Toby’s Sports, Mikasa at Tune Hotels, ang iba pang kasaling local teams ay ang kampeon mula Northern, Central at Southern Luzon; Eastern at Western Visayas at MindaÂnao.
Ang inaasahang mapaÂpaboran ay ang Aussie team na mula State of Victoria na pangungunahan ng tatlong national youth players na sina Hannah Wright, Kat Jannssens at Letitia Sindt bukod pa sa mga maÂhuhusay na sina Kate Hutchinson, Lucy Konjarski, Katie Bacon at Nikita Peril.