^

PSN Palaro

4th ASEAN basketball league: Dragons gustong magsolo sa unahan

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masolo ang liderato ang hanap ng Westports KL Dragons habang bu­mangon mula sa unang ka­biguan ang nais ng nagdedepensang Indonesia Warriors sa pagpapatuloy ng 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong Biyernes at Sabado.

Unang sasalang ang Dragons laban sa dating champion Chang Thailand Slammers ngayong gabi sa Nimibutr Stadium, Bangkok,  Thailand.

Sasandalan ng tropa ni Filipino mentor Ariel Vanguardia ang 80-70 panalo na naiposte sa Saigon Heat noong Enero 12 sa Tan Binh Stadium, Vietnam upang makopo ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pangalawang away game.

Ang Dragons na may ipinagmamalaking Cedric Bozeman at Gavin Edwards bilang mga imports ay kasalo sa liderato ng pahingang San Miguel Beermen at Singapore Slingers sa anim na koponang liga.

Away game naman ang lalaruin ng Warriors na noong Enero 11 ay pi­na­­dala ng Beermen, 53-64, sa Mahaka Square sa Indonesia.

Bibisitahin ng Warriors ang lungga ng Heat sa Vietnam bukas para makatikim ng unang panalo sa liga.

Mapapalaban uli ang Warriors dahil ang Heat ay galing sa panalo sa Slammers, 77-75, sa Thailand noong Miyerkules.

Ang Beermen ay babalik sa laro sa Enero 26 laban sa Heat sa Vietnam habang ang Slingers ay susukatin ang Slammers sa Enero 25.

 

ANG BEERMEN

ARIEL VANGUARDIA

BASKETBALL LEAGUE

CEDRIC BOZEMAN

CHANG THAILAND SLAMMERS

ENERO

GAVIN EDWARDS

INDONESIA WARRIORS

MAHAKA SQUARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with