^

PSN Palaro

Sharapova, Radwanska umusad

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE, Australia--Umabante si Maria Sharapova sa third round ng Australian Open na hindi natatalo ng isang laro, habang dumiretso sa kanyang 11 sunod na panalo si No. 4 Agnieszka Radwanska.

Umiskor ang No. 2-ranked na si Sharapova, natalo sa finals ng torneo noong nakaraang taon, ng isang 6-0, 6-0 panalo laban kay Misaki Doi sa loob ng 47 minuto.

Hindi nakakaramdam ng anumang sakit ang French Open champion sa kanyang kanang collar­bone injury na nagpaupo sa kanya sa warmup tournament sa Brisbane.

 Pinayukod ni Sharapova ang kanyang kapwa Russian na si Olga Puchkova 6-0, 6-0, sa first round.

 Nakapasok din sa third round si Radwanska nang magtala ng 6-3, 6-3 panalo laban kay Romanian bet Irina-Camelia Begu at hindi pa natatalo ngayong taon.

 â€œI can play even better,” sabi ni Radwanska, natalo sa finals ng Wimbledon kontra kay Serena Williams. “I didn’t really expect I could win that many mat­ches in a row, and hopefully I can keep going.”

Ang kanyang dalawang laro sa Australian Open ay natapos sa kanyang kabiguan sa quarter­final round kontra sa nagreynang si Kim Clijsters noong 2011 at kay Victoria Azarenka noong 2012.

AGNIESZKA RADWANSKA

AUSTRALIAN OPEN

FRENCH OPEN

IRINA-CAMELIA BEGU

KIM CLIJSTERS

MARIA SHARAPOVA

MISAKI DOI

OLGA PUCHKOVA

RADWANSKA

SERENA WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with