Robinson babalik sa Baste?

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na babalik uli si Topex Ro­binson sa San Sebastian sa NCAA.

Wala pang pormal na pag-anunsyo na si Ro­bin­son uli ang mauupong head coach pero marami ang nagtuturo na ang kasaluku­yang assistant coach ng Alaska Aces ang siyang iba­balik sa dating puwesto.

Ang dating iniluklok bilang interim coach na si Allan Trinidad ay hindi na babalik matapos umalis si Lubao Mayor Dennis Pineda bilang pangunahing supporter ng Stags.

Si Robinson, 33-anyos at dating naglaro sa Stags, ay naupo bilang headcoach noong 2011 pero nabigo siyang ibigay sa koponan ang titulo nang natalo sa San Beda.

Nasa kalagitnaan ng 20­12 season nang nag-anunsyo si Robinson na bibitiwan niya ang koponan at itinalaga bilang kanyang kapalit si Trinidad.

Hindi malinaw ang dahi­lan sa pag-iwan ni Robinson pero lumutang ang balitang hindi kinakaya ni Robinson ang pakikialam ng ibang tao na nasa koponan sa kan­yang diskarte.

Ngayong may pagba­bago sa koponan, handa umanong bumalik si Ro­binson upang pangasiwaan ang pagbuo ng de-kalibreng koponan na handang ibalik ang dating kinang ng Baste sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Si Cagayan Rising Suns at dating Stags player Alvin Pua ang karibal ni Robinson sa puwesto pero sinasabing ang huli na ang kukunin da­hil sa kanyang karanasan sa coaching sa NCAA.

Show comments