Laro ngayon
(Trinity Gym, Quezon City)
2 p.m. Fruitas vs JRU
4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Blackwater Sports
MANILA, Philippines - Maagang paghahanda sa taong 2013 ang sinasandalan ng Blackwater Sports para maisantabi ang hamong ipapakita ng Cebuana Lhullier Gems sa pagbabalik ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.
“Balik-ensayo kami noÂong January 4 para magkaroon kami ng sapat na panahon para maibalik ang game-shape ng mga bata. Malalaman natin ang epekto nito sa laro,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
Tampok na laro dakong alas-4 matutunghayan ang tagisan at nais ng Blackwater na manatiling hawak ang mahalagang ikalawang puwesto sa standings.
Sa ngayon ay mayroÂong 5-2 karta ang Elite pero kung madidisgrasya sila ng Gems ay mabibigyan-daan nila ang pahingang Cagayan Valley at Big Chill na makasalo sa pinagnaÂnasaang puwesto dahil may iisang 5-3 baraha ang dalawang koponan.
Makikigulo rin ang FruiÂtas Shakers para sa taÂgisan sa ikalawang puwesto sa pag-asinta pa ng panalo sa inspiradong Jose Rizal University sa unang laro.
Ikaapat na dikit na panalo ang nakaumang sa tropa ni coach Nash Racela na mag-aangat sa Fruitas sa 5-3 baraha.
Bukod sa pagiging paÂlaban sa awtomatikong seÂmis seat, palalakasin din ng Fruitas ang hanap na twice-to-beat advantage sa quarterfinals kung manalo.
Hindi naman madaling laro ito dahil pagsisikapan din ng Heavy Bombers ang paghablot ng ikatlong dikit na panalo tungo sa 4-4 baraha para manatiÂling buhay ang asam na makaalpas sa elimination round.
Sa 9-1 karta, ang NLEX ay hawak na ang isang awtomatikong puwesto sa semifinals habang ang Informatics at Erase XfoÂliant ang unang dalawa sa limang mangungulelat na koponan na masisibak sa eliminasyon.