33-pts. ni Durant gumiba sa Blazers
PORTLAND, Ore.--Sa likod ng 33 puntos ni Kevin Durant, nagwakas ang siyam na sunod na pananalasa ng Portland sa Rose Garden nang itakas ng Oklahoma City ang 87-83 panalo laban sa Trail Blazers noong Linggo.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 18 puntos at siyam na assists para sa Thunder, na lumaro na wala ang starters na sina Serge Ibaka at Thabo Sefolossha dahil sa injuries.
Naglista naman si LaMarcus Aldridge ng 33 puntos at 11 rebounds para sa Blazers na naghabol sa 112 puntos kung saan nakalapit lamang sila sa isang puntos mahigit isang minuto na lamang ang nalalabi.
Ang triples ni Westbrooks ang naghatid sa Thunder sa 84-74 may 3:35 ang nalalabi, ngunit nagawang makalapit ng Blazers sa 84-80 mula sa putback ni Nicolas Batum may 1:57 na lang sa oras.
Muling umiskor si Batum ng tres sa huling 21.9 segundo para sa 84-83 pagkakalapit.
Sa San Antonio, kumana si Tony Parker ng 20 puntos at nag-ambag naman si Tim Duncan ng 14 puntos, siyam na rebounds at pitong supalpal upang banderahan ang San Antonio Spurs sa 106-88 pananaig laban sa Minnesota Timberwolves at palawigin ang kanilang home winning streak sa 12 games.
Sa iba pang laro, hiniya ng New York ang New OrÂleans, 100-87; itinumba ng Milwaukee ang Toronto, 107-96; binomba ng Brooklyn ang Indiana, 97-86 at naungusan ng Denver ang Golden State, 116-105.
- Latest