MANILA, Philippines - Hindi kinaya ng Smart Gilas II na pigilan ang tatlong mahuhusay na imports ng host Al Ahli Club upang lasapin ang 82-97 pagyukod noong Linggo ng madaling araw sa 24th Dubai International Basketball Championship sa Al-Ahli Club Gym sa Dubai, United Arab Emirates.
Nagsanib sa kabuuang 63 puntos sina Leemire Goldwire, Leroy Hurd at Cheikh Samb para sa host team na dinomina ang kaÂbuuan ng labanan.
Nakatulong pa ang ‘di magandang laro kay 6’10 naturalized center Marcus Douthit upang makatabla ng Gilas ang UAE team sa 1-1 baraha.
“Sorry for the loss. I should have been smarter and more of a leader. Never to old to learn,†pahayag sa twitter ni Douthit na nagtala lamang ng siyam na puntos, malayo sa 20 puntos at 10 rebounds nang tulungan ang Gilas sa 79-77 tagumpay sa Mouttahed Tripoli ng Le-banon kamakalawa.
Ang 6’3 na si Goldwire ay mayroong 24 puntos habang 21 at 18 ang ibiniÂgay ng 6’8 na si Hurd at 7’1 center Samb para sa nanalong koponan.
Si Garvo Lanete at KG Canaleta ang bumandera sa Gilas sa kanilang 12 at 10 puntos.
“That’s part of d learning process. Great experience 4 our guys,†tweet ni coach Chot Reyes na nawalan din ng boses kaya’t di gaanong makapagbigay ng diskarte sa kanyang koponan.
Babalik ang Gilas sa court sa Lunes at kalaban nila ang Amarex ng Jordan at hanap ang panalo para makabangon sa masaklap na kabiguang ito.