Pacquiao-Rios fight ngayong Abril?
MANILA, Philippines - Ilang malalaking sports personalities ang nasasabik na magkita sa ring sina Manny Pacquiao at si Brandon Rios.
Dalawang pangalan ang lumutang na posibleng makaharap ni Pacquiao sa unang laban sa 2013. Ang mga ito ay sina dating WBA welterweight champion Vyacheslav Senchenko ng Ukraine o ang walang talong si Jessie Vargas ng USA.
Pero mas nais ng ibang Pinoy na harapin ni Pacquiao si Rios sa pagbabalik na posibleng gawin sa Abril 13 o sa Abril 20.
Ilan sa mga nagnanais na mangyari ito ay si dating PSC chairman Philip Juico, SEL-J Sports CEO Jay Lacnit at ang trainer ni Pacman na si Buboy Fernandez.
“Ang matunog na laban sa taong ito ay sa pagitan nina Brandon Rios at Manny Pacquiao,†hula ni Juico.
“Parehong may bilis at parehong uhaw sa panalo. Ngayon na ang panahon upang patunayan nina Manny at Brandon ang sarili,†tugon naman ni Lacnit.
Nakadepende naman kay Rios ang katuparan ng laban ani Fernandez.
“Kung magkakasundo sila ni Arum sa presyo, posibÂleng si Rios na ang makakalaban ni Manny sa Abril,†pahayag ni Fernandez.
Hanap ni Pacquiao na makabawi matapos patulugin ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre sa ikaapat na pagtutuos.
- Latest