Starmen winalis ang elimination round

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng nagdedepensang Star Group of Publications ang isang eight-game sweep sa elimination round ng MBL Corporate Cup 2 basketball tournament matapos talunin ang Manila Capitals, 91-85, sa San An­dres Sports Com­plex sa Malate, Manila.

Umiskor sina Jhong Bondoc at Niño Marquez ng tig-22 points, habang nagdagdag ng 11 si Cris Corbin para sa 8-0 record ng Star Group.

Ang panalo ang nagbigay sa Starmen nina head coach Alfred Bartolome at team manager Mike Maneze ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa PRC Couriers sa championship round.

 

Show comments