MANILA, Philippines - May tatlong imports at ilang miyembro ng national team sa pangunguna ni RoÂÂny Fahed ang Lebanese club team na Mouttahed TriÂÂpoli.
Ngunit hindi ito naging dahilan para matakot ang Smart Gilas-Pilipinas.
Umiskor si naturalized player Marcus Douthit ng 20 points, habang nag-ambag si Ronjay Buenafe ng 10 points na kanyang ginawa sa first half upang banderahan ang 79-77 panalo ng Smart Gilas kontra sa MoutÂtaÂhed Tripoli sa pagsisimula ng 24th Dubai International Basketball Tournament kahapon sa Al Ahli gym.
Nagdagdag si Garvo LaÂnete ng 15 markers kasunod ang 9 ni Kevin Alas.
“Beat Mottaheed of LeÂbanon w 3 US imports & 3 natl team players after being down by 15 in d 1st,†sabi ni NaÂtional head coach Chot ReÂyes sa kanyang Twitter account na @coachot.
Inangkin ng Nationals ang halftime, 41-40, at nakiÂpagsabayan sa Mouttahed sa second half.
Susunod na haharapin ng Smart Gilas ang Al Ahli.
Isasara ng Smart Gilas ang kanilang kampanya sa preliminary round ng Group B kontra sa Sporting Amarex of Jordan.