MANILA, Philippines - Sa kanyang posibleng pag-akyat ng boxing ring sa Abril, isa lamang sa Singapore, Macau at Dubai ang maaaring pagdausan ng laban ni Manny Pacquiao.
Inaasahang matatapos ang medical suspension ni Pacquiao, pinatumba ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong DisyemÂbre 8, bago ang buwan ng AbÂril.
Sinasabing itatampok sa boxing card sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) ngunit kontra sa magkaÂibang kalaban.
Si world lightweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs) ang isa sa mga ikinukunsiderang ilaÂban ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Pacquiao sa Abril.
Ang pang limang banggaan naman ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 39-anÂyos na si Marquez ay itatakda sa Setyembre.
Bago ang mga laban ni Pacquiao sa Abril at SetÂyembre, gusto muna ni Arum na sumailalim ang SaÂrangani Congressman sa isang neurological examination sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland CliÂnic.
Ito ay upang matapos na rin ang isyu hinggil sa siÂnasabing pagkakaroon ni ‘Pacman’ ng sintomas ng ParÂkinson’s disease.
Sinuri na ni Dr. Regina Bagsic, ang personal physician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na dating naÂmuno sa Movement DisÂorder Center ng St. Luke’s MeÂdical Center, ang Filipino boxing superstar.
Samantala, nakatakdang magdesisyon si Marquez kung itutuloy ang kanyang boxing career, ayon kay promoter Fernando BelÂtran.