SACRAMENTO, Calif. -- Isang siko mula kay DeMarÂcus Cousins ang tumulong sa Dallas Mavericks na maÂkakuha ng panalo laban sa Sacramento Kings.
Nagposte si O.J. Mayo ng 24 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Vince Carter ng 23 points para saÂÂmantalahin ng Mavericks ang nasabing flagrant foul ni Cousins at bumangon mula sa isang 17-point deficit paÂtungo sa kanilang 117-112 overtime win kontra sa Kings.
Tumapos si Cousins na may 29 points at 9 rebounds bago napatalsik sa huling 41.9 segundo sa overtime period dahil sa pagsiko sa mukha ni Carter.
Ang flagrant 2 foul ni Cousins ang kanyang pang anim na personal foul.
Nag-ambag si Shawn Marion ng 19 points at 10 reÂbounds para tulungan ang Dallas na wakasan ang kaÂnilang four-game losing skid.
Umiskor naman si Tyreke Evans ng 20 points at may 18 si Isaiah Thomas para sa Sacramento.
Sa Potland, nagsalpak si Wesley Matthews ng isang 3-pointer para ilagay ang Portland sa unahan sa huling 26.9 segundo at igiya ang Blazers sa 92-90 panalo kontra sa Miami Heat.
Sa Indianapolis, humugot si Paul George ng pito sa kanÂyang 25 points sa isang mahalagang 13-0 ratsada ng Indiana Pacers sa fourth quarter para talunin ang New York Knicks, 81-76.