^

PSN Palaro

Para matapos na ang isyu sa Parkinson’s disease Arum ipapatingin si Pacquiao sa Lou Ruvo Brain center

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Gusto nang matapos ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions ang isyu ka­ugnay sa sinasabing pag­kakaroon ni Filipino world eight-division champion Man­ny Pacquiao ng sinto­mas ng Parkinson’s di­sease.

Kaya naman irerekomenda niya sa 34-anyos na Sarangani Congressman na magpatingin sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic.

Ang naturang klinika ay may mga imahe na ng mga professional boxers at mi­xed martial artists, ayon sa panayam ng The Ring kay Arum kahapon.

“They’re the best in the world. My wife is on the board of directors, and I think that for those of us who realize that bo­xing is just a way-stop for Man­ny Pacquiao’s life and ca­reer, that it pays to be over-cautious,” ani Arum sa Lou Ruvo Center for Brain Health.

Sa isang panayam ng DZMM kina Dr. Rustico Jimenez at forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, sinabi nilang may nakikita silang sintomas ng Parkinson’s di­sease kay Pacquiao base sa kanilang obserbasyon sa mga panayam kay ‘Pacman’ sa telebisyon.

 Mariin naman itong pi­nabulaanan nina Dr. Regi­na Bagsic, ang personal phy­sician ni Pacquiao, at Dr. Roland Dominic Jamora, isang neurologist na da­ting namuno sa Movement Disorder Center ng St. Luke Medical Center.

Ayon kina Bagsic at Ja­mora, walang anumang sin­tomas ng Parkinson’s di­sease ang Sarangani Congressman.

Apat na araw matapos ang kanyang sixth-round KO loss kay Juan Manuel Mar­quez noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada ay agad su­mailalim si Pacquiao sa MRI sa Cardinal Santos Me­dical Center sa Maynila kung saan siya napatuna­yang negatibo sa anumang head injuries.

Ang maaari namang labanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) ngayong taon ay sina Marquez (54-6-0, 39 KOs) at world lightweight king Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs).

 

BAGSIC

BAM BAM

BOB ARUM

BRAIN HEALTH

CARDINAL SANTOS ME

LOU RUVO CENTER

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with