Thunder hindi nagkumpiyansa sa Wolves

OKLAHOMA CITY , Philippines -- Nagposte si Ke­vin Durant ng 26 points, habang may 23 si Russell Westbrook para banderahan ang 106-84 panalo ng Thunder kontra sa Minnesota Timberwolves, naglaro na wala si All-Star forward Kevin Love at apat pang injured players.

Natalo ang Oklahoma City sa kanilang huling laro mula sa isang buzzer-beater ng Washington Wizards na wala ang top three players.

Binanggit naman ito ni Thunder head coach Scott Brooks bago ang kanilang shoot­around at nagsabing pareho ng sit­wasyon ang Minnesota at Washington at hin­di sila dapat magkumpiyansa.

Itinala ng Thunder ang isang 24-point lead laban sa Timberwolves sa second half bago ipahinga sina Durant, Westbrook at iba pang starters sa 5:44 sa fourth quarter.

Nag-ambag si Kevin Martin ng 19 points mula sa bench para sa Oklahoma Ci­ty, naglista ng 12-game winning streak na winakasan ng Minnesota, 99-93 win, no­ong Disyembre.

Tumipa si Alexey Shved ng 18 points pa­­ra sa Minnesota, habang hindi naglaro si­­na guard J.J. Barea, Chase Budinger, Bran­don Roy at Malcolm Lee.

Nagdagdag si Nikola Pekovic ng 17 points at 10 rebounds para sa Minnesota.

 

Show comments