Caligdong ng Phl Azkals napabilang sa 2012 TOYM awardees
MANILA, Philippines - Nahirang si Philippine Azkals’ winger Emelio ‘Chieffy’ Caligdong bilang miyembro ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) ng 2012.
Si Caligdong, bumandera sa kampanya ng Azkals sa semifinal round ng 2012 AFF Suzuki Cup noong DisÂyembre, ay isa sa pitong awardees na pinuri kahapon ni President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa awarding ceÂreÂmonies sa Malacañang.
Bukod sa kanyang husay sa football, pinahalagahan din ang pagtuturo ni Caligdong ng football sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagdaraos ng ilang football clinics sa kanyang probinsya sa Pototan, Iloilo.
Si Caligdong ang umiskor sa 1-0 panalo ng Azkals kontra sa Vietnam sa group stage ng 2012 Suzuki Cup.
Nauna nang nahirang ang 30-anyos na si Caligdong bilang ‘sports ambassador’ ng Globe Telecom noong Hulyo ng nakaraang taon.
Bilang ‘sports ambassador’, tutulong si Caligdong sa grassroots development program ng Green Archers United FC, isang koponan sa United Football League.
Tatayo din siyang head coach ng football club.
Ang iba pang awardees ay sina rapper Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas, Congresswoman Emmeline Aglipay, veÂterinarian Dr. Waren Baticados, therapist Abelardo ApolÂlo David, Jr., blogger Ivan Henares at broadcaster Jiggy MaÂÂnicad ng GMA 7.
- Latest