PRISAA Games magsisimula sa Enero 10 sa Tuguegarao

MANILA, Philippines - Sisimulan ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) Regional Ga­mes sa Enero 10 sa Re­gion II sa University of Ca­gayan Valley (UCV) Bal­zain Campus sa Tugue­garao City.

Ito ang inihayag ni PRISAA Region II at UCV pre­sident Dr. Victor V. Pe­rez at kanyang idinagdag na sina PRISAA National chairman Dr. Emmanuel Y. Angeles at CHED Regional Director Dr. Evelyn L. Pascua ang magiging guest speakers sa nasabing opening cere­monies.

Si PRISAA National gold medalist Jeovanni Co­le­ga ang siyang maghahatid ng Oath of Amateurism, habang ang CHED - 02 Chief Education Specialist na si Dr. Antonio P. Pascual ang mag­dedeklara ng pagbubukas ng kompetisyon.

Tatlong araw tatagal ang event at ang mga sa­saling atleta, coaches at tech­nical officials ay mag­su­subukan sa 13 sports events na basketball, vol­­­leyball, sepak takraw, soft­­ball, football, baseball, chess, athletics, taekwondo, karatedo, badminton, table at lawn tennis.

May isasagawa ring cul­tural competitions katulad ng vocal solo at sa dance sports.

Ang mga mananalo sa regional meet ang kakata­wan sa Region II sa PRISAA National Collegiate Ga­mes mula Pebrero 10 hang­gang 16 sa Dagupan City at Lingayen.

Show comments