PRISAA Games magsisimula sa Enero 10 sa Tuguegarao
MANILA, Philippines - Sisimulan ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) Regional GaÂmes sa Enero 10 sa ReÂgion II sa University of CaÂgayan Valley (UCV) BalÂzain Campus sa TugueÂgarao City.
Ito ang inihayag ni PRISAA Region II at UCV preÂsident Dr. Victor V. PeÂrez at kanyang idinagdag na sina PRISAA National chairman Dr. Emmanuel Y. Angeles at CHED Regional Director Dr. Evelyn L. Pascua ang magiging guest speakers sa nasabing opening cereÂmonies.
Si PRISAA National gold medalist Jeovanni CoÂleÂga ang siyang maghahatid ng Oath of Amateurism, habang ang CHED - 02 Chief Education Specialist na si Dr. Antonio P. Pascual ang magÂdedeklara ng pagbubukas ng kompetisyon.
Tatlong araw tatagal ang event at ang mga saÂsaling atleta, coaches at techÂnical officials ay magÂsuÂsubukan sa 13 sports events na basketball, volÂÂÂleyball, sepak takraw, softÂÂball, football, baseball, chess, athletics, taekwondo, karatedo, badminton, table at lawn tennis.
May isasagawa ring culÂtural competitions katulad ng vocal solo at sa dance sports.
Ang mga mananalo sa regional meet ang kakataÂwan sa Region II sa PRISAA National Collegiate GaÂmes mula Pebrero 10 hangÂgang 16 sa Dagupan City at Lingayen.
- Latest