Taulava gusto pang magsilbi sa Team Phl
MANILA, Philippines - Bukas pa rin si Paul Asi Taulava sa posibilidad na muÂling matulungan ang NaÂtional Team.
Ang 39-anyos na nagÂlalaro ngayon para sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League (ABL) ay handang ibigay ang kanyang serbisyo maÂtapos kumpletuhin ang piÂnirmahang kontrata sa Beermen.
“Right now, my focus is to help the Beermen to win the ABL title. The league will run for six months, and after the league and if somebody knocks on my door, I am wilÂling to help the national team,†wika ng 6-foot-9 Fil-Tongan.
Mula 2002 ay isinuot na ni Taulava ang pambansang uniporme at napabiÂlang din siya sa PambanÂsang koponan noong 2005, 2007, 2008, 2010 at 2011 sa pangunguna ng mga coaches na sina Chot Reyes, Yeng Guiao at Rajko Toroman.
Ang alok na serbisyo ni Taulava ay magandang baÂlita dahil problemado ngaÂyon ang Gilas II na hawak ni Reyes na makakuha ng mahuhusay na manlalaro dahil kasabay ng pagsasaÂnay ng koponan ay ang laro sa PBA.
Pinakamalaking torneo na pinaghahandaan ng banÂsa ay ang FIBA-Asia Men’s Championship sa Hulyo na naunang ibinigay sa Lebanon pero may poÂsibilidad na mailipat sa PiÂlipinas.
Ang torneong ito ay quaÂlifying event at ang maÂngungunang tatlong bansa ang kakatawan sa Asya sa FIBA World Championship sa Spain mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14, 2014.
Dahil sa problema sa iskedul at ang di pagpapahiram ng ibang PBA teams na namamahinga na sa PBA Philippine Cup, ang Gilas II ay bumuo ng koÂponang inaaniban ng tatlong PBA players, siyam na amateurs at ni naturalized player Marcus Douthit para luÂmahok sa Dubai Cup na idaraos sa Enero 10.
Ang malawak na karanasan ang siyang nakikita ni Taulava na kanyang maÂibibigay lalo’t hindi naman siya kailangang ibabad kaÂtulad ng dati.
- Latest