NEW YORK --- Nagbalyahan sina Knicks’ star CarÂmelo Anthony at Celtics’ cenÂter Kevin Garnett mula sa baseline hanggang sa midÂcourt.
At matapos ang 96-102 kaÂbiguan ng New York sa BosÂton ay dumiretso si AnÂthony sa locker room ng CelÂtics at nagsisigaw.
Umalis si Anthony na hinÂdi kinausap ang mga reÂÂporters at ayaw namang magÂÂkomento ng Boston sa pagsugod sa kanila ng New York forward.
‘’I’m going to let you all figure that one out. I’m going to stay out of that,’’ ani Celtics’ coach Doc Rivers. “If it was the playoffs I’d tell on him, but since it’s not I’m going to just be quiet.’’
Umiskor si Paul Pierce ng 23 points para banderahan ang nasabing panalo ng Celtics kontra sa Knicks sa salpukan ng magkaribal na koponan sa Atlantic DiÂvision.
Humakot si Garnett ng 19 points at 10 rebounds paÂra sa Boston, nakamit ang kanilang ikatlong dikit na panalo kahit wala ang naÂsuspindeng si Rajon RonÂdo.
Tumapos si AnÂthony na may 20 points mula sa masama niyang 6-of-26 fieldgoal shooting.
Pinamunuan naman ni J.R. Smith ang Knicks muÂla sa kanyang itinalang 24 points, habang humakot si 7-foot center Tyson ChandÂler ng 13 points at 17 rebounds.