Donaire maghahanap ng ibang kalaban
MANILA, Philippines - Posibleng walang sinuman kina Abner Mares ng Mexico at Guillermo RiÂgondeaux ng Cuba ang maÂkakalaban ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
Ito, ayon kay Donaire, ay dahil sa ilang bagay na may epekto sa pagtatakda ng kanyang laban sa buwan ng Marso o Abril.
Si Mares ay nasa kamÂÂpo ng Golden Boy ProÂÂmotions ni Oscar Dela HoÂÂya na karibal ng Top Rank Promotions ni Bob Arum, habang nakatakda naÂÂmang umakyat ng boÂxing ring si Rigiondeaux sa PebÂrero.
“We have Mares; that’s the fight we really want to make, but it’s getting difficult,†sabi ng 30-anyos na si DoÂnaire (31-1-0, 20 KOs), ang World Boxing OrgaÂniÂzation at International BoÂxing Federation super banÂtamweight ruler, sa neÂgoÂsasyon sa kampo ng 24-anyos na si Mares (25-0-1, 13 KOs) na naghahari sa World Boxing Council.
Sa pagkakaroon naman ng laban ng 32-anyos na si Rigondeaux, ang kamÂpeon sa World BoÂxing Association, sa PebÂrero ang magpapalabo sa kaÂnilang paghaharap ni DoÂnaire.
“With Rigondeaux, he won’t fight until June or July or something like that,†ani Donaire sa Cuban two-time Olympic Games gold meÂdaÂlist.
- Latest